free hit counter

Frequently Asked Questions (FAQ)

17. Paano maipapadala na kusa o automatic ang reboot request sa aking provider tuwing may downtime?

Pwede mong gamitin ang serbisyo namin para automatikong magpadala ng email sa iyong provider kapag nagkakadowntime ka, para mag-request ng reboot o kahit ano mang karagdagang imbestigasyon.

  1. Mag-login sa iyong account.
  2. Pumunta sa Mga Kontak -> Template sa Notipikasyon
  3. I-click ang "Magdagdag ng Bagong Template sa Notipikasyon".
  4. Baguhin ang "Pangalan ng Template" sa naaangkop na pangalan, hal. "Provider Ko".
  5. Maari mong baguhin ang "Nagmula sa" at ilagay ang sarili mong email para ang provider mo ay deretsahang makakasagot sa iyo.
  6. Baguhin ang paksa para makakuha agad ng pansin, hal. "URGENT: Please reboot my server".
  7. Baguhin ang mensahe at idagdag ang lahat ng detalye na kailangang maibigay mo sa iyong provider, hal. IP address, server ID, rack ID, login, mga paraan kung paano ma restart ang service o server, atbp.
  8. I-save ang template.
  9. Pumunta sa "Mga Kontak" -> "Magdagdag ng Panibagong Email Kontak".
  10. Ilagay ang emergency email ng iyong provider.
  11. Maaring kailangan mong ipagwalang bisa ang pagpapadala ng UP na notipikasyon tungo sa iyong provider at ipadala lamang ang reboot request tuwing DOWN ang website/server mo.
  12. Maaari mo ring itakda o i-set sa "Magbigay-alam pagkatapos ng X na sunud-sunod na errors" para maiwasan ang pagpapadala ng reboot request tuwing may downtime na masyadong maikli lamang (posibleng maliit lang na problema sa network).
  13. Piliin ang "Provider Ko" bilang "Template sa Notipikasyon".
  14. I-save ang kontak.