free hit counter

Frequently Asked Questions (FAQ)

8. Bakit ako nakakatanggap ng mga alerto na baligtad ang pagkakasunudsunod (ang UP na alerto ay sinusundan ng DOWN na alerto)?

Ang problemang ito ay mangyayari kapag hindi naaabot o unreachable ang ang iyong mail server sa tuwing ang website/server na minomonitor mo ay down. Ito ay maaaring nangangahulugang:

  • your mail server is ON the same server you are monitoring or
  • ang mail server mo ay nasa ibang server pero ang pagkakauntol o outage ng network ay nakakaapekto sa koneksyon sa dalawang server.

Sa parehong sitwasyon, sa tuwing down ang minamanmanan na website/server, ang mail server namin at magtatangka pa ring magpadala sa iyo ng DOWN na alerto. Gayon pa man, dahil hindi maaabot ang mail server mo, ang DOWN alert ay nakahanay pa rin at itatangkang mapadala sa susunod na schedule.

Kung ang iyong website/server naman ay bumalik o up na uli, ang aming mail server ay magpapadala na agad ng UP na alerto sa iyo (ipagpalagay nating up rin ang mail server mo). Gayon pa man, ang DOWN na alerto ay makakarating lamang sa inyo sa susunod na retry kaya nawawala ito sa tamang pagkakasunod-sunod.

Pwedeng mong maiwasan ang problemang ito kung magdadagdag ka ng mga kontak na mga email address na wala sa server o network mo, halimbawa: @yahoo.com, @hotmai.com, atbp. Ang mga alertong matatanggap sa mga kontak na ito ay siguradong nasa tamang pagkakasunod-sunod.